Local Show Buzz: Pia Guanio Engaged!

Iba ang aura ni Pia Guanio nang mabungaran siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 15, sa dressing room ng isa sa mga studio ng GMA Network Center kung saan umeere ang Showbiz Central.

Blooming at talaga namang kitang-kita na she is very much in love and inspired.

Nagkakabiruan nga ang staff ng show. Huwag daw masyadong aligagain si Pia dahil “momemt” na niya.

Ang susunod na gap kasi ay ang pagsasalita na ng TV host tungkol sa engagement nila ng boyfriend niyang businessman na si Steve Mago.

Marami nga ang nagulat when the news came out na ikakasal na si Pia.

Parang kailan lang kasi nang nag-break sila ni Vic Sotto. Tapos, she was seen dating someone else.

At ngayon nga, biglang mapapabalitang engaged na siya.

Noong May 7, Sabado, naganap ang pamamanhikan ni Steve sa pamilya ni Pia sa resthouse ng TV host sa Tagaytay.

Kasunod nito ang pagsisimula nang magplano ng dalawa tungkol sa kanilang kasal.

Una na raw rito ang listahan ng kanilang secondary at principal sponsors, na kinabibilangan daw nina Mike Enriquez at Mel Tiangco, ang news anchors ng 24 Oras kung saan may segment si Pia na “Chika Minute.”

THE PROPOSAL. Kitang-kita sa mukha ni Pia ang sobrang kaligayahang nararamdaman nang sumalang na siya sa live interview sa kanya ng co-hosts niyang sina Raymond Gutierrez at John ‘Sweet” Lapus.

Ang unang tanong kay Pia ay kung paano ba naganap ang proposal sa kanya.

“It was quite a surprise. I wasn’t expecting it at all,” sagot ni Pia.

“Primarily because… I mean, I’ll say it straight… Di ba, we’ve been dating for less than a year only?

“So, it really came as a surprise to me that he made such a big move so soon.

“So, one morning, he just woke me up. And when I opened my eyes, I saw a box with a ring in it.”

Sandaling naging speechless daw si Pia nang mga oras na iyon. Wala raw siyang anumang nasabi.

“Kasi, nakakabigla talaga!” natawa niyang sabi.

“Parang overwhelming and you don’t know what to say when it finally does happen, you know.

“And then outside, he has prepared a breakfast with champagne.

Advertisements

Posted on May 16, 2011, in Local News. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: